Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzon MylaPablo RemPalma CoachKojiTzusubra Volleybukids PetroGazzAngels SpikeandServePhils. Volleyball
Jet Hilario
EDITORIAL TEAM/SCORELINE.PH

Volleybukids---Ito ang pangalan ng grupo ng mga kabataang mahilig sa volleyball sa isang maliit na komunidad sa Morong Bataan.

Sinimulang buuin ito noong 2020 ng isang college student na mahilig sa volleyball na si Pedro Aquino Jr.

Hindi naging madali sa simula ang pagbuo sa kanilang grupo dahil mas patok din na laro sa kanilang lugar at suportado pa  ng kanilang lokal na pamahalaan ang baseball at softball.

Pero nang dahil sa kagustuhan ni Pedro na makagawa ng mabuti sa kapwa at makatulong na mahubog ang kakayahan ng mga kabataan sa kanilang lugar sa larong volleyball, siya na mismo ang gumawa ng paraan para mag magkaroon ng mga kailangan nilang kagamitan.

Pangarap din ng mga kabataang ito na mapabilang sa mga hinahangaan nilang volleyball team sa bansa.

Ikinuwento sa amin ni Pedro ang kanilang karanansan sa pagsasanay at paglalaro ng volleyball.

Kuwento pa ni Pedro na, noong una ay pinaglumaang duyan at bola ng basketball ang ginamit nila sa tuwing sila ay maglalaro ng volleyball.

"Nagsimula kami noong 2020 noong nagkaroon ng COVID 19  pandemic, lumang duyan at rubber ball ang ginagamit namin sa paglalaro ng volleyball dito sa aming lugar," ani Pedro.

May pagkakataon din aniyang nakaranas sila ng diskriminasyon at discouragement mula sa ibang tao.

"Minsan kaming humingi ng tulong sa mga opisyal sa aming lugar para masuportahan ang aming grupo pero mas priority nila ang ibang sports gaya ng baseball kesa volleyball. Nakaranas din ang grupo namin ng discrimination, pero hindi kami nawalan ng pag-asa," dagdag pa nito.

Isang paraan ang naisip ni Pedro para masuportahan sila at matulungan ang kanilang grupo, ito ay ang paghingi niya ng alalay mula sa Spike and Serve Philippines---isang organisasyon na pinangungunahan ng isang magiting na volleyball player sa UAAP at ngayon ay kabilang sa Petro Gazz Angels na si Nicole Tiamzon.

"Sinubukan kong mag reach out kay ate Nicole at sa Spike and Serve para ilapit sa kanila ang aming club at agad nila kaming tinulungan."

"Very thankful ako kay ate Nicole sa tulong at suporta na ibinigay nila sa akin at aming grupo."

Nakatawag ng pansin sa Spike and Serve at kay coach Tiammy (kilala ring tawag kay Nicole Tiamzon) ang dedikasyon at paghahangad ni Pedro na tulungan ang mga miyembro ng Volleybukids.

Dahil dito, hindi na nag-aksaya pa ng panahon at pagkakataon si coach Tiammy at ang Spike and Serve para tulungan ang grupong Volleybukids.

Ayon kay coach Tiammy, nakita aniya niya ang passion ni Pedro na makatulong sa kaniyang kapwa tao kahit sa maliit at sa ganitong paraan ay makatulong na mahubog ang kasanayan ng mga kabataan sa volleyball.

"Ini-reach out kami ni Pedro noong 2020 at ipinakita niya sa amin ang ginawa niyang pagtulong at pagbuo sa grupong Volleybukids, so we help them, and give them the things that they need," ani coach Tiammy.

Nagpadala ang Spike and Serve ng mga bagong gamit sa volleyball gaya ng net at bagong bola.

Pinakabitan din ng Spike and Serve ng mga solar lights ang lugar kung saan sila nag lalaro at nag-eensayo.

"Nag-donate kami ng mga bola at net para sa kanila at pinakabitan namin sila ng mga solar lights para may ilaw dito sa lugar nila kapag maglalaro at mag-eensayo sila ng volleyball."

Ang ganitong pagtulong ng Spike and Serve ang nagpalakas ng loob sa mga kabataan ng Volleybukids para lalo pa nilang pagbutihin ang pag eensayo at paglalaro ng volleyball sa kanilang lugar upang pagdating ng tamang panahon ay mapapabilang ang marami sa kanila sa mga kilalang volleyball team sa bansa na lumalahok sa mga international competition.  

"Hindi lang skills sa larong volleyball ang gusto naming ma-develop sa mga kabataang aming tinutulungan, kundi mahalaga at importante sa lahat ay ang hubugin sila na magkaroon ng magandang pag-uugali, dahil iyan ang layunin ng Spike and Serve---'Building Community through Sports'," pagtatapos ni coach Tiammy.

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more