Meralco Bolts bumanat agad ng unang panalo sa EASL

Rico Lucero
photo courtesy: EASL Images

Ilang araw lamang matapos ang kanilang PBA Season 49 Governors' Cup elimination, nilampaso ng Meralco Bolts ang Macau Black Bears 97-85 sa opening season ng East Asia Super League 2024-2025  na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong Miyerkules ng gabi.

Nakuha pa ng Macau na mapababa ang kanilang deficit sa walo, 80-72, sa kalagitnaan ng huling quarter subalit lalo namang nag-init si Chris Newsome at umarangkada na at nagpakawala ng mga tira hanggang sa pagtatatpos ng kanilang laro.

Sina imports Allen Durham at DJ Kennedy naman ay nagpatuloy na umiskor ng limang sunod na puntos pagkatapos ng nagawa ni Newsome upang bumuo ng panibagong momentum na nagtulak sa kalamangan ng Meralco sa 93-74, kasunod ng isang technical free throw upang tuluyang makuha ang bentahe ng laro at makuha ang panalo.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Newsome na nagtala ng 18 points, anim na assists, tatlong rebounds at tatlong steals habang naging maganda naman ang debut ni Kennedy para sa Meralco na may 17 puntos, siyam na rebounds, at walong assists.

Nag-ambag din si Durham ng 17, habang si Chris Banchero ang isa pang manlalaro na nagtapos sa double figures para sa Bolts na may naibuslong 14 puntos.

Ang naturalized player na si Ange Kouame, na kagagaling lang sa injury, ay nakapagtala pa ng ng siyam na puntos at siyam na rebounds para sa Meralco. 

Samantala, ikinatuwa naman ni Bolts head coach Luigi Trillo ang kanilang unang panalo sa EASL at dito pa sa sariling bansa nakakamit ng unang panalo. 

"It's nice to win our first game sa bansa. We played with a lot of pride, although we didn't play our best game, "At least we got one over here in our home turf," saad ni Trillo. 

Matatandaang noong nakaraang EASL season ay isang panalo lang at 5 talo ang nakuha ng Meralco Bolts at hindi na ito nakasama sa final four. 

The scores

Meralco (97) -- Newsome 18, Durham 17, Kennedy 17, Banchero 14, Kouame 9, Almazan 7, Quinto 7, Hodge 4, Caram 2, Bates 2.

Macau Black Bears (85) -- Cylla 23, Artino 23, Chongqui 21, Leung 10, Deguara 8, Chao 0, Li 0, Zeng 0, Lao 0, Chan 0.

Quarter Scores: 24-17; 43-39; 73-64; 97-85.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more