Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiao MarioBarrios JimuelPacquiao EumirMarcial MarkMagsayo PhilippineBoxing Boxing
Jet Hilario
photo courtesy Manny Pacquiao/FB

Wala ng isang buwan bago ang nakatakdang laban ni Pambansang Kamao at nag-iisang eight-division world champion na si Manny “PacMan” Pacquiao kontra kay Mario Barrios ng Mexico. 

Dahil dito, puspusan ang ginagawang pag-eensayo ni Pacquiao upang matiyak na siya ang magwawagi sa kanyang comeback fight sa July 19, 2025 sa Las Vegas, Nevada.

Kasama sa kanyang training ang pagkuha nito ng mga sparring mate na magiging kasangkapan para lalo pa itong maging mahusay sa kanyang laban kung saan mas matatangkad na boksingerong ito, at pagtutuunan din ng pansin ni Pacquiao ang estilo at katangian na mayroon si Barrios, lalo na’t mayroong malaking bentahe pagdating sa height at reach, kabilang na ang 16-taon na diperensya sa edad nilang dalawa. 

Ka-sparring ni PacMan sa pamosong Wild Card Boxing Gym sa Los Angeles, California sina 6-foot-2 unbeaten Elijah “2 Tec” Flores, 5’11” American prospect Samuel Contreras at 5-foot-10 undefeated Russian-born Darial “Bones” Kuchmenov. 

Mahigpit namang nakasubaybay sa training ni Pacquiao sina International Boxing Hall of Fame trainer Freddie Roach at ang kaibigan nitong si Buboy Fernandez upang matiyak na walang magiging problema ang Pambansang kamao sakaling dumating na ang araw ng laban nito kay Barrios.

Hindi rin pinababayan ni Coach Justin Fortune ang strength and conditioning workout ni Pacquiao kung saan mahigpit din itong sinusubaybayan ilang linggo bago ang nakatakdang laban nito kay Barrios. 

Bukod kay Manny Pacquiao, kasabay din nito sa mga ensayo ang ibang Pinoy boxers na sasabak sa undercard bout ni Pacquiao at Barrios na sina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial, at mga dating world champions na sina Mark “Magnifico” Magsayo at Jerwin “Pretty Boy” Ancajas at ang panganay na anak ni Manny na si Emmanuel “Jimuel” Pacquiao, Jr. na magde-debut sa professional fight. 

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
1
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
1
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
3
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollies-JeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
4
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
4
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
4
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
9
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
25
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
21
Read more