Kevin Quiambao, isasalang agad ng Skygunners sa Sabado
Masisilayan na agad sa aksyon si former De La Salle star player at Gilas power forward Kevin Quiambao kasama ang Goyang Sono Skygunners sa Sabado, January 11 kung saan lalabanan nito ang Busan KCC Egis.
Ang UAAP star na si Kevin Quiambao ay nasa South Korea na ngayon para sa harapin ang kanyang kapalaran sa Korean Basketball League (KBL).
Agad na sumalang sa ensayo si Quiambao kasama ang bago niyang koponan na Goyang Sono Skygunners.
Kinuha ng Skygunners si Quiambao dahil kailangan nito ng reinforcement sapagkat hawak nila ngayon ang 9-17 win-loss record.
Si Quiambao ang ikatlong Pinoy na naging import ng Skygunners. Una nang naging imports sina Alex Cabagnot at Joshua Torralba.
Matatandang nitong nakalipas na UAAP season 87 ng men’s basketball, nakuha ng De La Salle Green Archers ang runner-up finish matapos matalo ng UP Fighting Maroons.