Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

Pormal nang umapela ang kampo ni Charly Suarez sa California State Athletic Commission para baliktarin ang desisyon sa panalo ni Navarrete.
Ito ay matapos na ideklarang panalo sa kanilang laban si WBO junior lightweight champion Emmanuel Navarrete noong Linggo sa San Diego, California.
Hiniling ni Suarez na na siya ay ideklarang panalo sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) o di kaya’y ituring na no-contest ang naging laban nila.
Matatandaang inihinto ng referee na si Edward Collantes ang laban sa Round 8 matapos ideklara ng mga ring doctor na hindi na kayang ipagpatuloy ni Navarrete ang laban dahil sa malalim na sugat sa kaliwang kilay.
Subalit sa ginawang pag-rerepaso at resulta ng video replay ay malinaw na ang sugat na tinamo ni Navarrette ay hindi galing sa accidental headbutt kundi mula sa suntok ni Suraez sa Round 6.
Samantala, diringgin naman ang apela ni Suarez ukol sa kahilingan nito sa June 2, subalit posibleng magkaroon din ng rematch ang dalawa sa oras na maglabas ng desisyon ang CSAS.
Umaasa ang kampo ni Suarez na babaliktarin ng CSAS ang naunang desisyon nito at gawing “No-contest” ang laban.
Magugunitang una nang sinabi ni Top Rank vice president Carl Moretti na na posibleng magkaroon ng rematch sa pagitan ng dalawang boksingero matapos matagpuan at repasuhin ang replay ng video.
