“I think PBA should investigate those referees” - Coach Guiao

YengGuiao PBA RainOrShine RainOrShineElastoPainters Converge ConvergeFiberXers Basketball
Rico Lucero

Tinawagan ng pansin ni Rain or Shine Elasto Painters head coach Yeng Guiao ang pamunuan ng PBA na imbestigahan ang mga referee sa unang laro nila para sa best-of-three ng quarterfinals kagabi, Pebrero 5, kontra Converge Fiberxers, 130-118.

Ito ay matapos ikadismaya ng beteranong head coach ang tatlong magkakasunod na foul na ipinataw sa kanilang import na si Deon Thompson sa huling 8:34 na minuto ng third quarter. 

Para kay Guiao hindi makatwiran ang mga foul na itinawag ng mga referee kay Thompson kung saan humatong na sa disqualification ng import dahilan kung kaya hindi na ito nakapaglaro. 

“Actually, the referees decided the results of the game in that situation. Halos kaka-umpisa lang ng third quarter, a little less than nine minutes, tinawagan siya ng tatlong sunod-sunod na maninipis na mga tawag,” pahayag ni Guiao. 

Sinabi pa ni Guiao na sa tanang buhay niya sa PBA ay ngayon lang aniya siya nakakita ng ganun kaninipis na tawag ng sunud-sunod na foul sa loob halos kulang tatlong minuto ng laro, 

“Ngayon lang ako nakakita sa buong buhay ko, sa PBA, na ganun kaninipis, itatawag ng sunud-sunod. Dikit ang laro nun eh, so magreremedyo ka na lang after that. Maganda sana yung laban kaya lang yun nga, sobrang kaninipis nung mga tawag.” dagdag pa ni Guiao. 

Dahil sa nangyari ay walang nagawa ang champion mentor kundi palitan nalang si Thompson. 

Sa nangyaring iyon sa Rain or Shine ay nagbunga sa kanila ng hindi magandang resulta kung saan natalo sila ng Converge, subalit umaasa pa rin si Guiao na makukuha nila ang kanilang unang panalo sa kanilang pangalawang laban sa Biyernes, Pebrero 7, sa Ninoy Aquino Stadium. 

Samantala, umaasa si Guiao na nagsasagawa ng imbestigasyon ang liga sa ginawa ng mga referee sa kanilang import. 

“I think the PBA should investigate those referees. Sila nagdecide nung laro,” pagtatapos ni Guiao. 

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more