Hong Kong Eastern nakalasap ng unang pagkatalo vs. Elasto Painters

YengGuiao DeonThompson LeonardSantillan CaelanTiongson KeithDatu HongKongEastern Eastern RainOrShineElastoPainters ElastoPainters PBA Basketball
Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nakatikim ng unang pagkatalo ang Hong Kong Eastern sa mga kamay ng Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang sagupaan nitong Miyerkules ng gabi, December 4, sa Ninoy Aquino Stadium sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup, 99-81. 

Maganda agad ang mga ipinakitang depensa at rebounding ng Elasto Painters at napababa din nila ang porsyento ng three-point shooting ng Hong Kong Eastern at napataas naman nila ang porsyento ng kanilang three-point shooting kung kaya hindi na nagawa pang makalamang ng Eastern.

Ayon kay Rain or Shine coach Yeng Guiao, masaya ito na nakasungkit sila ng unang panalo. 

"We played really good defense against a bigger team, 'no. I think 'yun 'yung crucial," ani coach Guiao. 

Maganda rin ang ipinakitang performance ni Deon Thompson sa kanyang debut game kung saan kuntento si Guiao sa ginawa nitong  21 points at 15 rebounds. 

"We're happy with the way he perform. He was late coming in. Wala pa siyang isang linggo, but he changed our chemistry for the better. Mas maganda ang ikot ng bola namin sa kanya."

"He's got the inside game and the outside game. Medyo malas pa sa labas. 'Pag lumabas [ang] tunay na laro, mas magiging problema siya ng ibang team,” dagdag pa ni Guiao. 

Kumamada naman ng 18 points at five rebounds si Leonard Santillan, habang mayroong 10 points si Caelan Tiongson, gayundin si Keith Datu na nag-ambag ng 10 points at walong rebounds.

Sa panig naman ng Hong Kong Eastern, kumamada ng 30 points at 12 rebounds si Cameron Clark, habang sina Ying Lung Cheung at Sheik Muhammad Sulaiman ay nag-ambag ng tig-11 points para sa kanilang koponan. 

Sunod na haharapin ng Rain or Shine ang San Miguel Beermen sa Martes, December 10 sa Filoil Eco Oil Center sa San Juan City habang sasagupain naman ng Hong Kong Eastern ang TNT Tropang Giga sa Biyernes, December 6,  sa Ninoy Aquino Stadium, sa Maynila. 

Scores:

RAIN OR SHINE 99 – Thompson 21, Santillan 18, Datu 10, Tiongson 10, Nocum 8, Ildefonso 8, Caracut 7, Belga 5, Clarito 4, Lemetti 3, Asistio 3, Demusis 2.

EASTERN 81 – Clark 30, Cheung 11, Sulaiman 11, Cao 9, Blankley 7, Lam 6, Zhu 5, Guinchard 2, Chan 0, Leung 0, Pok 0, Xu 0.

Quarter Scores:   24-18, 43-34, 70-64, 99-81

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more