Growling Tigresses bigong masungkit ang kampeonato sa WMPBL

Matapos ang intense do-or-die Game 3 Finals sa inaugural season ng WMPBL, bigo ang UST Growling Tigresses na masungkit ang kampeonato kontra Pilipinas Aguilas, 54-45 kagabi, Abril 23, sa Ninoy Aquino Stadium.
Nakuha ng Tigresses ang 1st runner-up sa finish sa kauna-unahang Women’s Maharlika Basketball League sa bansa.
Natalo man ay buong giting pa rin at tapang na hinarap ng UST ang mga hamon na nasa kanilang unahan at itunuring na na isang mabuti at magandang karanasan sa buong panahon ng kanilang paglahok sa inaugural season ng WMPBL.
Mixed emotions din ang naramdaman ni UST Growling Tigresses head coach Ged Austria matapos malasap ang pagkatalo sa mga kamay ng Aguilas.
Sa panayam ng Laro Pilipinas kay Austria, kinausap umano nito ang kanyang mga players pagkatapos ng laban at sinabing ituring na lamang na isang mabuting bagay ang nangyari sa kanila at magpasalamat pa rin dahil naging bahagi sila ng WMPBL sa season na ito.
Sinabi pa ni Austria na i-aasses din ng kanilang koponan ang mga lapses at mga pagakakamali nila nang sa gayon ay maituwid nila ito at maitama sa susunod nilang paglahok sa mga darating pang laban.
“We need to correct our mistakes, that’s part of the game plan, I already told the players what else is wrong and what needs to be improved,” ani Austria.
Magugunitang noong Game 1 ay tinalo ng Aguilas, ang UST 95-86 samantalang noong Game 2 naman ay bumawi ang UST 64-69, na parehong mayroong 1-1 standing dahilan kung kaya napuwersa na magkaroon ng do-or-die Game 3.
