Ginebra dinomina ang Blackwater kasabay ng pagbabalik ni Malonzo

JamieMalonzo TimCone JustinBrownlee RJAbarrientos BarangayGinebraSanMiguel BlackwaterBossing ConvergeFiberXers HongKongEastern TNTTropangGiga PBA Basketball
Juan Karlo Libunao (JKL)
Photo Courtesy: PBA

Naging matagumpay ang pagbabalik ni Barangay Ginebra forward Jamie Malonzo sa hardcourt ng talunin ng Gin Kings ang Blackwater Bossing, 86-63, sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner's Cup noong Linggo ng gabi, January 12, sa Ynares Center, Antipolo.

Siyam na buwan ring hindi nakapaglaro ang 6-foot-7 athletic wingman dahil sa calf injury na natamo nito.

Nakapagtala si Malonzo ng walong puntos, kaakibat ng tatlong rebounds at isang steal sa loob ng limitadong 10 minutong paglalaro upang tulungan ang crowd-favorite na koponan na makabalik sa win column at kasalukuyang may 6-3 win-loss record, katabla ang Converge FiberXers at guest team na Hong Kong Eastern.

“For Jamie himself, it has been a long, long road for him,” saad ni Ginebra coach Tim Cone tungkol sa pagbabalik sa laro ni Malonzo.

“So it was just a culmination of his hard work to return. He’s still on a minutes restriction, and we will continue to monitor in our next games,” dagdag pa niya.

Namuno naman sa scoring ng Gin Kings si resident import Justin Brownlee na nagtala ng 18 markers, na sinamahan pa ng seven boards, four dimes, at isang block.

Ang rookie namang si RJ Abarrientos ang tinanghal na Best Player of the Game matapos mag-ambag ng 15 points, two rebounds at isang assist para buhatin ang Ginebra sa tagumpay.

Muling susubukan ng Barangay Ginebra na ipagpatuloy ang kanilang winning ways sa Biyernes, January 17, sa Philsports Arena laban sa TNT Tropang Giga na tumalo sa kanila sa Season 48 at Season 49 Governors' Cup Finals.

Samantala, si George King naman ang nanguna para sa Blackwater ng gumawa ito ng game-high 27 points kasama ang anim na rebounds.

Kakalabanin naman ng Bossing (1-7) sa Miyerkules, January 15, sa Ninoy Aquino Stadium ang nasa ika-13th place sa kasalukuyan na Terrafirma Dyip at wala pang naitatalang panalo sa kumperensya.

 

The Scores:

GINEBRA 86 – Brownlee 18, Abarrientos 15, J.Aguilar 10, Ahanmisi 9, Malonzo 8, Holt 8, Rosario 8, Thompson 5, Pessumal 5, Cu 0, Mariano 0, Adamos 0, Pinto 0.

BLACKWATER 63 – King 27, Tungcab 10, Suerte 9, David 5, Kwekuteye 4, Ponferrada 3, Guinto 2, Montalbo 0, Chua 0, Corteza 0, Hill 0, Casio 0, Jopia 0, Escoto 0.

Quarter Scores: 19-13, 39-32, 66-45, 86-63.

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
10
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
18
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
13
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
14
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
7
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
11
Read more