Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

Sesentro naman ngayon ang atensyon ng Gilas Pilipinas Team sa paglahok nito sa FIBA Asia Cup sa Agosto na isasagawa sa Jeddah Saudi Arabia.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, ito ay mas marami aniya silang magiging oras para paghandaan ang kanilang mga laban at ang mga naging karanansan aniya nila sa kamay ng mga nakalaban nila sa nakaraan ay nagsilbing paghahanda nila lalo na ang huling dalawang laban sa Chinese Taipei at New Zealand.
“But we were trying to look at a bigger picture in terms of the FIBA Asia coming up, because we know we're not going to have much time. We were able to do a Doha trip before we came here just to try to get more time together and play more games, and it probably hurt us more than it helped us in terms of being ready for Taiwan and New Zealand. This one was important for seating, so we really wanted to get that seating, but that's now going to go to New Zealand. We're going to have a tougher road through that Cup, and that's something that's uppermost in our minds as well,” ani Cone.
Dahil naman sa pagkabigo ng Gilas kontra New Zealand, nakuha lamang nito ang ikalawang spot sa Group B.
Inamin din ni Cone na malaking kawalan din si Kai Sotto sa kanilang mga laban dahil ito lamang ang kanilang naging pantapat lalo na noong nakaraang taon kung saan natalo ng Gilas ang Hong Kong, Chinese Taipei at New Zealand.
Dagdag pa ni Cone na ngayon lang nila naranasan ang “cumulative experiences” sa kanilang mga laban at may mga natutuhan din sila sa magkasunod na talo nila sa Chinese Taipei at New Zealand kung saan gagawa sila ng mga adjustments.
“So we're still trying to adjust how to play without him, and that's the things we're going to be talking about and thinking about as we go into the FIBA Asia Cup. We're trying to take each window as an experience and move it on to the next one and on to the next one and hopefully grow it and improve,” dagdag pa ni Cone.
Matatandaang sa huling laban ng Gilas kontra New Zealand, umabot sa 28 points ang lamang ng mga Kiwi subalit napapababa naman ito ng Gilas sa 11 puntos pero bigo ang mga ito na maipanalo ang laban na nagtapos sa 87-70 pabor sa New Zealand.
