EASL: Victor Law, susi sa tagumpay ng Ryukyu Golden Kings

VictorLaw ChrisNewsome AlexKirk CliffHodge KeveAluma EASL RyukyuGoldenKings MeralcoBolts Basketball
Rico Lucero
photo courtesy: EASL Images

Nitong nakaraang Miyerkules ng gabi (Enero 22), sa pagpapatuloy ng East Asia Super League (EASL) 2024-25 season ay pinangunahan ni Victor Law ang Ryukyu Golden Kings para makuha ang top seed sa Group B nang talunin nito ang Meralco Bolts, 89-71, sa Philsports Arena sa Pasig.

Si Law ay may game-high na 20 points para madala sa tagumpay ang Ryukyu. Nagtala rin ito ng walong rebounds, limang assists, at dalawang blocks sa 34 na minutong laro nito sa hard court.

Nakapagbuslo din ito ng 5-of-8 mula sa two-point area, at 2-of-6 mula sa rainbow territory. 

Samantala, ang import naman ng Golden Kings na si Alex Kirk ay nagpakita din ng kahusayan sa laro kung saan nakapagtala siya ng 19 points, walong rebounds, isang assist, at isang block.

Maliban kina Law at Kirk, nagpakitang gilas din sa hard court ang import nilang si Keve Aluma na naging instrumental din sa laro matapos makapag-ambag ng 18 puntos, kung saan ang walong puntos nito ay mula sa ikatlong quarter kung kaya’t nagkaroon sila ng 19 puntos na kalamangan.

Bukod sa mga nabanggit, mayroon pang dalawang manlalaro ang umiskor ng double-digit para sa  Ryukyu; ito ay sina Yoshiyuki Matsuwaki at Ryuichi Kishimoto na nakapagbuslo ng tig-12 puntos.

Sa post-game interview kina Golden Kings head coach Dai Oketani at Ryuichi Kishimoto, inihayag ng B.League guard na ito umano ang unang beses niyang bumisita at maglaro sa Pilipinas kung kaya mahalaga sa kanya ang karanasang ito.

“It's a tough game but that was really great for me as well. it's my first time to visit the Philippines and it was so nice to have the time in the Philippines as well. Also, I'm really happy to play in this great atmosphere at Arena,” ani Kishimoto.

Hindi naman naiwasang mapabilib at humanga ni coach Oketani sa uri at tatak ng basketball sa bansa lalo na kay Chris Newsome, na aniya ay isang napakahigpit na kalaban sa kanilang bahagi.

“We know they are really good players, especially in physical and also (their) ability for the attack, especially Chris Newsome, he is a really great player and it was really difficult for us to stop him in the game. I see a lot of local players in the Philippines, especially guard players, are really great players,” ani Oketani.

Dahil naman sa naging impresyon ng Ryukyu head coach, hindi naman naiwasan ng Meralco team captain na magpakumbaba sa papuri at paghanga sa kanya ng isa sa mga kilalang head coach ng Japan B. League, at para kay Newsome nangangahulugan lamang ito na tama ang kanyang paglalaro ng basketball.

“I'm humbled by the comment and by the respect I've earned from other coaches. I mean, I guess that just confirms that I'm doing the right thing as a player. So to have that compliment from one of the greatest coaches in Japan and just from the Japanese community, it's definitely an honor,” ani Newsome. 

Matatandaang nakagawa si Newsome ng 12 puntos, limang assists, isang steal, at isang block para pangunahan ang Bolts, habang nagtala sina Cliff Hodge at Ange Kouame ng tig-13 markers.

Ang import naman ng Meralco na si David Kennedy ay umiskor lamang ng tatlong puntos sa 1-of-8 shooting, habang ang isa pa nilang import na si Akil Mitchell ay hindi naman nakapaglaro dahil sa injury nito sa kanyang likod.

May isa pang laro ang Bolts sa Pebrero 12 sa Taiwan laban sa New Taipei Kings. Kailangan nilang manalo sa laban na iyon para makapasok sa Final Four.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more