EASL: Hiroshima Dragonflies tinalo ang San Miguel Beermen
Natalo ng Hiroshima Dragonflies ang San Miguel Beermen, 94-63, sa nagpapatuloy ng 2024-25 East Asia Super League (EASL).
Nanatiling walang panalo ang Beermen sa Group A na may 0-4 standing kung saan laglag na rin ito sa FInal Four at naisiguro naman ng Dragonflies ang ikalawang spot sa Final Four.
Nahirapan ng husto ang Beermen sa higpit ng depensa at opensa ng kanilang kalaban kung saan 18 puntos agad ang lamang ng Dragonflies sa SMB sa first quarter ng laro.
Dominado rin ng Dragonflies ang laro hanggang matapos ang halftime, 52-37. Hindi rin ito nabigo sa kanilang layunin na masungkit ang panalo laban sa SMB matapos na matalo naman sila ng Hong kong Eastern nitong nakaraang araw.
Nakakuha ng double-digit score ang limang players ng Dragonflies kung saan nanguna sa kanila ay sina Keijiro Mitani and Nick Mayo na mayroong tig-18 puntos, samantalang sina Ryo Yamazaki at Takuto Nakamura ay tig-11 points habang kanilang star import na si Kerry Blackshear Jr. ay tinanghal na EASL Best player of the Game ay kumamada din ng 12 points.
Naitala rin ng Hiroshima Dragonflies sa kanilang record ang season-high 33 assists, gayundin ang 31 fast-break points.
Samantala, sa January 15, haharapin ng San Miguel Beermen ang Hong Kong Eastern, habang ang Hiroshima Dragonflies naman ay muling lalabanan ang Taoyuan Pauian Pilots sa January 22.
The scores
Hiroshima (94) - Mayo 18, Mitani 18, Blackshear 12, Nakamura 11, Yamazaki 11, Watanabe 9, Kawata 7, Roberts 5, Ichikawa 3, Kamisawa 0, Takeuchi 0.
San Miguel (63) - Jones 24, Fajardo 12, Tiongson 9, Lassiter 4, Tautuaa 4, Ross 3, Perez 3, Teng 2, Cruz 2, Cahilig 0.
Quarter scores: 30-18; 52-37; 68-51; 94-63.