Converge, hawak na ang ikalawang pwesto sa PBA Commissioner’s Cup

JordanHeading JustineBaltazar CeickDiallo AlecStockton SchonnyWinston Converge ConvergeFiberXers BlackwaterBossing PBA Basketball
Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nasungkit ng ng Converge ang solo No. 2 seed at namuro sa twice-to-beat incentives matapos talunin ang Blackwater Bossing, kagabi, January 19, sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo. 

Tinambakan ng Converge ang Blackwater, 127-109 kung saan bumida sa panalo si Jordan Heading na nagtala ng 22 points, habang mayroong 20 points, 10 rebounds, tatlong assists at dalawang shot blocks si Justine Baltazar, at sumuporta naman kay Hea­ding ang import na si Cheick Diallo na may 20 puntos at 18 rebounds.

Nag-ambag din ng 19 puntos si Alec Stockton, at may tig-10 puntos sina Schonny Winston at JL Delos Santos. Sinabi naman ni Converge coach Franco Atienza, na hindi umano naging sapat ang kanilang depensa, dahil nakagawa pa ng malaking puntos si George King ng Blackwater. 

“Mataas eh lalo na nung first quarter, and George King still had 34 points, so yung focus namin was to tighten up the defense. Gladly, our guys responded. Late eliminations na, so kailangan naming dumepensa. Yun ang focus namin today, and dadalin yan sa next games namin. We knew that we would be able to score, we have good guys, but going into this game, our focus was on defense,” ani Atienza.

Sa kasalukuyan, mayroon ng walong panalo at tatlong talo ang Converge, habang ang Blackwater ay mayroong dalawang panalo at walong talo. 

Para naman kay Justine Baltazar, nagpapasalamat siya sa koponan na nabigyan siya ng pagkakataong makalaro ng mas mahabang minuto, at bilang ganti ay ibinigay naman nito ang kanyang buong makakaya sa laban. 

“Nagamit ako lalo kasi si Justin Arana [na-injure]. Sana OK lang siya. Pero binigyan pa rin ako ng chance para makalaro. Ibinigay ko lang ang best ko.” ani Baltazar. 

Sa ngayon, itutuon ng Converge ang atensyon nito sa huling laban kontra sa San Miguel Beermen upang malaman ang kapalaran kung sa twice-to-beat ba o sa best-of-three series sasalang sa quarterfinals.

The Scores:

CONVERGE 127 – Heading 22, Baltazar 20, Diallo 20, Stockton 19, Delos Santos 10, Winston 10, Santos 8, Nieto 8, Arana 7, Racal 3, Caralipio 0, Andrade 0.

BLACKWATER 109 – King 34, Tungcab 20, Chua 16, David 14, Kwekuteye 10, Casio 6, Corteza 4, Ponferrada 3, Guinto 2, Montalbo 0, Ayonayon 0, Jopia 0.

Quarter Scores: 33-26, 70-56, 97-88, 127-109.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlas PilipinasBeach Volleyball
4
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
9
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more