Boxing: Romero ‘Ruthless’ Duno, nagretiro na matapos ang pagkatalo vs. Cain Sandoval

Jet Hilario
Photo Courtesy: Cain Sandoval Instagram

Tuluyan nang namaalam sa mundo ng boxing si Filipino lightweight boxer na si Romero “Ruthless” Duno matapos ang higit isang dekada nito sa larangan ng boxing. 

Nauwi sa  pagkabigo ang kaniyang pagreretiro, matapos na makaranas ng ikalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng Amerikanong si Cain Sandoval. 

Natalo si Duno sa pamamagitan ng TKO sa ikaanim na round ng kanilang laban sa California. 

Inianunsyo ni Duno ang kaniyang pagreretiro sa pamamagitan ng kanyang post sa social media. 

“After much thought and reflection, I have decided to retire from professional boxing. The truth is, my prime days are behind me. I’ve given everything I have to this sport, and I’ve tried my best to reignite that fire, to push myself back to where I once was, with the invaluable help of my coaches, Coach Stanley and Coach Brian,” 

Tinapos ni rising boxing star Sandoval ang laban sa pamamagitan ng kanang suntok sa katawan sa Round 6, kung saan sinubukan pang bumangon ni Duno subalit dahil sa matinding pagkakatama, hindi na nito kinaya at nalampasan ang 10-count ng referee na si Gerard White.

“I think I did my fair share in the limelight and enjoyed my career, reaching the top at certain points. I would like to remember those younger glory days of “Ruthless” Duno in my boxing memory. Now, it’s time for me to step aside and give the young, upcoming boxers their chance to shine. The “Ruthless” Duno is ready to hang up the gloves and sign out,” dagdag ni Duno.

Matatandaang taong 2014 nang magsimulang sumabak sa boxing si Duno at nakuha nito ang unang panalo via TKO sa kalaban nitong si Michael Manmbay hanggang sa maputol ito kontra Mikhail Alexeev para sa World Boxing Organization (WBO) Youth title nung Mayo 6, 2016. 

Sinundan ito ng 12-fight winning run kabilang ang pagkakasungkit  ng bakanteng WBO-NABO 135-lbs belt laban kay Juan Antonio Rodriguez sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California noong 2019 kung saan nagwagi ito sa ninth-round via technical decision na sinundan ng seventh round stoppage kay Jesus Ivan Delgado makalipas naman ang apat na buwan.

Muling sumabak si Duno kontra naman kay  Ryan Garcia na nagtapos sa first-round knockout dulot ng body shot para sa WBO-NABO at WBC Silver 135-pound title. 

Muling nakabangon ito matapos ang  tatlong sunod na panalo kina Angelito Merin, Ramon Elizer Esperanza at Jonathan Perez mula 2020-2021.

Nakalasap muli si Duno ng TKO  Miami, Florida-based boxer laban kay lightweight contender Frank Martin. 

Nakabawi naman ito ng back-to-back na panalo laban kina Yogi Herrera at Christian Guido nitong 2022, nabakante din ng mahigit isang taon si Duno hanggang sa muling makalasap ng knockout na pagkatalo kontra Antonio Moran nitong Enero 31. 

Si Duno ay nagkaroon ng boxing record na 26-4 win-loss kung saan 20 sa mga ito ay knockout habang si Sandoval naman ay may hawak na 14-0 win loss record.