Billiard: Johann Chua sinargo ang kampeonato sa Hanoi Open

Rico Lucero
photo courtesy: Johann Chua

Itinanghal na hari ng Hanoi Open Pool Championship 2024 si Filipino cue artist Johann Chua matapos kalusin sa race-to-13 finals laban sa  Chinese Taipei na si Ko Pin Yi, 13-7, nitong Linggo. Ito ang unang 9-ball world title ni Chua sa Hanoi Indoor Game Gymnasium sa Vietnam.

Bago nakapasok sa finals si Chua ay tinalo muna nito ang kababayang si Carlo Biado, 11-5 sa semifinals. Sa simula ng laban nina Chua at Ko, nagkakapaan pa ang dalawang manlalaro dahil sumasablay pa ang kanilang mga easy shots sa 3-ball at 7-ball. 

Unang nakakuha ng panalo Yi sa unang rack pero hindi pumayag si Chua, na di makakuha ng pagkakataon kung kaya kinuha agad nito ang apat na sunod na panalo.

Dito na nakakuha ng momentum si Chua at naging maingat na rin ito sa kanyang mga tira at sina­mantala rin nito ang pagkakataon para makuha ang 19th rack, hanggang sa 20th rack, at lalong naging swabe na ang kanyang mga tira at dito na inangkin ang inaasam na titulo. 

Ayon kay Chua, gusto lang nitong ipakita sa mga Vietnamese at Pinoy fans ang husay at galing ng Pinoy sa larangan ng billiards. 

“Sa Vietnam last night, ang dami ng tao but iba pa rin yung mag-perform ka sa sarili mong bansa and may family and friends talaga. Yun yung mga bagay na sobrang excited ako ngayon and hindi ko maantay na makapag-perform ako bukas (Reyes Cup),” ani Chua.