Beau Belga, inihahanda na ang sarili pagkatapos ng karera sa PBA

Rico Lucero
photo courtesy: NCAA/gmanews

Hindi lang pang Basketball kundi pang Broadcaster pa. 

Ito ngayon ang ipinakikita ng 38 year-old na Center-Forward ng Rain or Shine na si Beau Belga. Gumagawa na siya ngayon ng kanyang sariling pangalan sa Broadcasting industry kung saan nag-du-duty na din ito bilang  NCAA Season 100 analyst sa isang kilalang broadcasting network sa bansa bukod sa pagiging player ng PBA. 

Unti-unti nang inihahanda ni Belga ang kanyang sarili sakaling dumating na ang panahon na siya ay magreretiro na sa paglalaro sa PBA.

Ayon kay Belga, tumatak sa isip niya ang ipinayo sa kanila ng kanilang coach na si Yeng Guiao na gumawa ng ibang paraan bukod sa pagbabasketball dahil kapag nag retiro na sila ay at least meron silang ibang mapagkukunang ibang source of income. 

“‘Yun din ang sabi sa amin ni coach, you need to do something na aside from basketball. Kapag nag-retire kami, wala kaming mga negosyo or whatever, at least meron kang iba," ani Belga.

Sinabi pa ni Belga na bagaman sa umpisa ay gusto nitong tumanggi pero sinubukan niyang maging sports analyst at nag-eenjoy naman umano siya sa kanyang ginagawa at plano na niya itong ipagpatuloy pagkatapos ng career nito sa paglalaro.

“So far, I’m enjoying it. Doon din naman ang bagsak eh. Either an assistant, an analyst, doon din ang bagsak. Wala namang ibang babagsakan ‘yung mga career naming mga player," ayon kay Belga.

“Gusto ko siyang tanggihan. Pero I want to try ‘yung experience of being an analyst in the finals. Hindi ko pa naeexperience. Even if we had a game, tinry ko pa rin. Okay naman. Naging magandang experience.” dagdag pa ni Belga. 

Mataandaang si Belga ay produkto din ng NCAA at naglaro para Philippine Christian University (PCU) noong mid-2000 kasama ang TNT veteran na si Jayson Castro.