Tulong Pinansiyal, ipinagpasalamat ng Philippine Olympic Committee kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Rico Lucero
PHOTO COURTESY: REUTERS

Pinasalamatan ni POC President Abraham “Bambol” Tolention si  Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr, dahil sa kaniyang suporta at pagbibigay ng kaniyang opisina ng 100 euros na allowance kada araw para sa mga atletang sasabak sa Paris Olympic sa susunod na linggo.


Aniya, Malking tulong ito para sa mga atletang Pilipino dahil sa pamamagitan aniya nito ay maari nilang itong magamit sa habang sila ay nasa Paris, o maari din naman aniya nila itong ipadala sa kanilang mga mahal sa buhay para makatulong sa mga gastusin ng kanilang mga kaanak dito sa bansa.


Pinasalamantan din ni Tolentino maging ang pamunuan ng Philippine Sports Commission dahil sa wala ding sawang suporta na ibinibigay ng komisyon para sa mga atletang Pilipino.
Samantala, tiwala naman  si Tolentino na mauungusan ng bansa ang naging record ng Pilipinas noong nakaraang 2020 Tokyo Olympics.