Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

Target ng TNT Tropang Giga ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup ng PBA Season 49.
Kung paanong nakuha nila ang dalawang sunod na kampeonato noong Governor’s Cup at Commissioners Cup ng PBA Season 49, ito ngayon ang misyon ng TNT Tropang 5G.
Para mangyari ito, kailangang makuha ng Tropang 5G ang panalo mamayang alas-7:30 ng gabi, Hunyo 18, kung saan lalabanan nila ang Magnolia Hotshots sa Philsports Arena.
Matatandaang una nang naglaban ang Hotshots at ang Tropang Giga sa eliminations noong June 13 kung saan, natalo ng Magnolia Hotshots ang Tropang Giga, 83-88.
Samantala, win-once naman ang Hotshots bilang No. 2 team pagkatapos ng 11-game eliminations, napadpad sa No. 7 ang TNT at kailangan nila ng isang panalo para mapuwersa ang winner-take-all para makapasok sa best-of-seven semifinals series.
Isasalang ng Tropang Giga mamayang gabi sina Calvin Oftana, RR Pogoy, Poy Erram, Glenn Khobuntin, Kelly Williams, habang ibabandera naman ng Hotshots laban sa TNT sina William Navarro, Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang, Zav Lucero.
