Siklab Youth Awards Night, isasagawa ngayong gabi

Rico Lucero
photo courtesy: POC/PSC Media Group

Mamayang gabi na isasagawa sa Market-Market Activity Center, Makati City ang ika-apat na edisyon ng Siklab Youth Sports Awards 2024 kung saan pararangalan ang mga natatanging kaba­taang atleta na nagbigay karangalan sa bansa sa taong ito. 

Tampok sa mga gagawaran ng parangal ay ang mga batang world champions na sina Tachiana Mangin ng Taekwondo at weightlifters Angeline Colonia at Lovely Inan. 

Matatandaang huling nanalo sa Taekwondo men’s -47kg division si Alex Borromeo noong 1996 edisyon sa Barcelona, Spain.

Kasama din sa mga bibigyan ng pugay sa Siklab Awards sina 2024 US Junior Girls champion Rianne Mikhaela Malixi ng golf at wushu artists Alexander Gabriel Delos Reyes, gayundin sina Asian junior gymnastics gold medalist Karl Eldrew Yulo at table tennis youth champion Kheith Rhynne Cruz. 

Pasok din sa listahan ng mga pararangalan sina Muay Thai world-beaters Janbrix Ramiscal at Lyre Anie Ngina, chess Olympiad gold me­dalist Ruelle Canino para naman sa Super Kids Award category. 

Kasama rin sa listahan ng mga bibigyan ng parangal ang Pinoy swimmers na sina Micaela Jasmine Mojdeh at Behrouz Mohammad Mojdeh. 

Bibigyang parangal din mamayang gabi sina three-time jiu-jitsu world champion Aleia Aielle Aguilar, Palarong Pambansa multiple gold medalist Albert Jose Amaro II (seven golds) ng swimming at sina Youth Heroes Awards world youth champion Isabella Butler ng ju-jitsu, Ana Bhianca Espenilla (athletics), John Andre Aguja (cycling), JR Pandi (badminton), Brandon Sanchez (baseball), Kieffer Alas (basketball) at Marc Dylan Custodio (bowling).

Samantala, may apat na special awards ding nakalaan para kina Olympic boxing medalist Nesthy Petecio (Sports Idol), longtime sports manager Terry Capistrano (Godfather of the Year), youth sports supporters Bong Go (Lifetime Achievement Award) at Quezon City Representative Arjo Atayde (Trailblazer of the Year Award).