Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

Naniniwala si dating IBF lightweight champion at dating nakalaban ni Manny Pacquiao na si Sugar Shane Mosley na kayang-kaya nitong patumbahin si Mario Barrios sa kanilang nalalapit na pagtutuos sa July 19, sa Las Vegas, Nevada.
Ito ay dahil sa nakita ni Mosley ang ginagawang pagsisikap ng Pambansang Kamao sa mga ginagawa nitong pagsasanay at nakikita rin niya ang pagpupursige ni Pacquiao na kahit may edad na ito ay determinado pa rin itong manalo sa laban.
Suportado din ni Mosley ang nalalapit na laban ni Pacquiao kontra kay Barrios.
"I can definitely see him winning. His mindset is strong, and physically and mentally he’s ready," ani Mosley.
Sinabi pa ni Mosley na may posibilidad ding manalo si Pacquiao sa pamamagitan ng knockout (KO) kung pipilitin ni Barrios na makipag suntukan ng malapitan kay Pacquiao.
"[It] is possible [for Pacquiao to win via KO] because if [Barrios] is standing in front of him and Manny is able to not have to chase him, and he's just right there, it can be a problem [for Barrios]," ani Mosley.
Matatandaang noong 2011 nang magkaharap ang dalawa kung saan nanalo si Pacquiao sa pamamagitan ng 12 round unanimous decision.
Taong 2017 naman nang tuluyan na ring magretiro ang US boxer na si Mosley.
Magugunitang una na rin sinabi ng conditioning coach ni Pacquiao na si Justine Fortune na kaya pa ring talunin ni Pacquiao si Barrios dahil sa bilis ng kanyang mga kamay bukod sa magandang footwork para paliguan ng suntok ang kalaban kahit pa 46 years old na ito.
