Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

Nagkampeon ang 20-anyos Pinoy Muay Thai fighter na si LJ Rafael Yasay sa U-23 male 51kg finale matapos talunin ang pambato ng host country Vietnam na si Ly Dieu Phuoc sa Asian Muay Thai Championships, sa final score na 30-27.
Matatandaang namayagpag si Yasay sa International Federation of Muaythai Associations (IFMA) World Senior Muay Thai Championships na ginanap sa Patras, Greece noong nakaraang taon, kung saan nakapag-uwi rin siya ng dalawang gintong medalya.
Samantala, bagamat hindi nagwagi sa kanyang laban sa naturang competition, nasungkit ni Filipina fighter Rhichein Yosorez ang silver medal matapos mapataob ang Vietnamese na si Mai Hoang Khanh sa U-23 female 45kg finale sa final score na 28-29.
Nakamit naman ni Albert Pangsadan ang isa pang silver medal para sa Pilipinas kahit na bigo itong magwagi laban kay Duong Duc Bao ng Vietnam sa U-23 male 48kg finale sa final score na 27-30.
