Growling Tigresses bigong masungkit ang kampeonato sa WMPBL
8
Nasungkit ni Filipina athlete Naomi Marjorie Cesar ang bronze medal sa katatapos na 2025 Asian U18 Athletics Championships sa Saudi Arabia nitong nakaraang Linggo, Abril 20.
Nakuha ni Cesar ang ikatlong puwesto matapos maitala nito ang oras na 2:17.87 minuto sa 800-meter run ng women’s category.
Samantala, nakuha naman ni Mahadura Pemisiri ng Sri Lanka (2:14:86) ang gintong medalya, habang ang silver medal naman ay nakuha ni Ye Meilling ng China (2:15:92).
Ito ang ikalawang medalya ng bansa mula nang sumali sa kompetisyon ang Pilipinas sa unang edisyon ng kompetisyon noong May 8-11, 2015 sa Doha, Qatar kung saan naka-bronze rin si Jose Jerry Belibestra sa men’s long jump.