Naoya “The Monster” Inoue dedepensahan ang kaniyang super-bantamweight world belts laban kay TJ Doheny ng Ireland
Nakatakdang depensahan ni Naoya Inoue ng Japan ang kanyang super-bantamweight world belts laban kay TJ Doheny ng Ireland sa darating na Setyembre.
Gaganapin ang kanilang laban sa Ariake Arena,Tokyo Japan.
Si Doheny ay hawak ngayon ang kanyang titulo bilang IBF super-bantamweight mula noong 2018 hanggang 2019.
Samantala, pinuri ni Inoue si Doheny dahil sa magandang laban na nakita niya kamakailan kay Bryl Bayagos ng Pilipinas kung saan natalo niya ang Pinoy boxer.
Sinabi pa nito na maging ang mga nakalaro niya sa sparring ay natalo rin ni Doheny.
Umaasa si Inoue na magiging kapanapanabik at maganda ang resulta ng laban nito kay Doheny sa Setyembre at umaasa ito na matatalo niya si Doheny.
Si Inoue ay mayroong boxing record na 27-0 win-loss record kung saan 24 sa mga ito ay knockouts, habang si Doheny naman ay mayroong boxing record na 26-4 win-loss, at 20 sa mga panalo nito ay knockouts.