Manny Pacquiao, handa na para sa Exhibition Fight vs. Rukiya Anpo

Rico Lucero
PHOTO COURTESY: WORLD BOXING NEWS

Handa na si eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao para sa exhibition fight nito kontra kay kickboxing champion Rukiya Anpo ng Japan.

Isasagawa ang laban nina Pacquiao at Anpo sa Saitama Super Arena sa Japan.

Si Anpo na ang ipinalit na magiging kalaban na ni Pacquiao matapos na umurong sa laban si Chihiro Suzuki dahil sa tinamo nitong injury sa kamay.

Si Rukiya Anpo ay Japanese kickboxer, kung saan lumaban na ito para sa  super lightweight at welterweight divisions.

Mayroon itong kickboxing record na 36 kung saan 27 ang kaniyang naipanalo, habang 14 sa mga ito ay knockout. 8 talo at 1 ang draw.

Samantalang si Pacquaio naman ay mayroong boxing record na 72 mga laban kung saan 62 sa mga ito ang kaniyang naipanalo at 39 sa mga ito ay knockout, 8 talo, at 2 draw