UST at Pilipinas Aguilas, target ang kampeonato mamayang gabi

Kapwa inaasam ng Pilipinas Aguilas at ng UST Growling Tigresses na makuha ang kampeonato sa do-or-die battle na magaganap na mamayang gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa kanilang Game 3 ng Women’s Maharlika Pilipinas Basketball League (WMPBL) Invitational Finals.
Magugunitang pinilit ng Growling Tigresses na makuha ang panalo nitong nakalipas na Linggo sa Game 2 kontra Aguilas, 69-64, sa pamamagitan ng dominanteng performance ni Nigerian center na si Oma Onianwa at ni Rachelle Ambos.
Matatandaang noong Game 1 ay pinangunahan ni Onianwa ang UST na may 30 puntos, walong rebounds, tatlong blocks, at dalawang steals, habang nagdagdag si Ambos ng 13 puntos para tulungan ang koponan na makabangon mula sa nakakapagod na 95-86 double overtime loss.
Mamayang gabi umaasa ang UST na muling aarangkada sina Onianwa at Ambos, kasabay ng mga pangunahing kontribusyon nina Kent Pastrana at Eka Soriano, habang nilalayon nilang tapusin ang trabaho.
Ayon kay UST head coach Ged Austria, nakausap na umano nito ang kanyang mga players para maitama ang kanilang mga naging pagkakamali sa nakaraan at mai-improve pa ang kanilang laro.
“We need to correct our mistakes, that’s part of the game plan,” said UST head coach Ged Austria. “I already told the players what else is wrong and what needs to be improved,” ani Austria.
Samantala, target din ng Pilipinas Aguilas na bumawi sa kanilang pagkabigo at makuha ang panalo ngayong Game 3, kung saan nitong Game 2 ay Pinangunahan sila ni Fil-American guard Alexis Pana, sa pamamagitan ng pagtatala ng 17 points, eight rebounds, five assists, four steals, and a block.
“I just want to play our game and focus on the things we need to fix,” ani Pana.
