UST Growling Tigresses at Pilipinas Aguilas, maghaharap sa WMPBL Finals

Magsisimula na bukas, Abril 16, ang best-of-three finals ng Women's Maharlika Basketball League (WMPBL) sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila, kung saan maghaharap ang dalawang powerhouse teams na natira: ang University of Santo Tomas Growling Tigresses at ang Pilipinas Aguilas.
Ang UST Growling Tigresses ay tinalo kamakailan ang Galeries Tower Skyrisers sa score na 67-54, habang ang Pilipinas Aguilas naman ay pinayuko ang Discovery Perlas sa iskor na 65-48.
Ang dalawang koponang ito ay magtatagisan ng tapang at galing, lalo na sa opensa at depensa, sa larangan ng women's basketball sa bansa.
Samantala, nagpasalamat si WMPBL President John Kallos sa pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) at kay PSC Chairman Richard Bachman sa kanilang suporta, partikular sa paghiram at paggamit ng mga pasilidad ng Rizal Memorial Coliseum para sa pagdausan ng WMPBL Finals.
"On behalf of the WMPBL, I would like to extend our heartfelt gratitude to the Philippine Sports Commission, especially to Chairman Dickie Bachmann and Sports Facilities Division Chief Ms. Julia Llanto, for allowing us to use their facilities for our historic finals. This milestone would not have been possible without the efforts of our Commissioner, Coach Haydee Ong. We are hopeful that the WMPBL Finals between UST and the Pilipinas Aguilas will be one for the books," ani Kallos.
The Scores (Bracket Finals):
First Game
UST 67 – Soriano 13, Pastrana 12, Relliquette 9, Maglupay 9, Onianwa 6, Danganan 5, Bron 4, Pescador 3, Tacatac 2, Ambos 2, Sierba 2, McAlary 0, Serrano 0.
Galeries Tower 54 – Fabruada 17, Resultay 9, Almazan 7, Canuto 7, Sandel 4, Tecson 3, Buendia 3, Lacayanga 2, Manzanares 2, Buscar 0, Vacalaeres 0
Quarter Scores: 20-12, 44-24, 56-40, 67-54.
Second Game
Pilipinas Aguilas 65 – Pana 15, Prado 14, Cabinbin 13, Etang 13, Adeshina 4, Omopia 3, Apag 3, Ramos 0, Padilla 0, Guytingco 0, Escotido 0, Cac 0, Limbago 0.
Discovery 48 – Lim 14, Ferrer 10, Sambile 9, Palmera-Dy 9, Anies 2, Galicia 2, Candelario 2, Gloriani 0, Villasin 0, Borja 0.
Quarter Scores: 14-14, 31-22, 46-31, 65-48
