USA Men’s Basketball Team, nalampasan ang bangis ng Serbia

Jet Hilario
Photo Courtesy: Rob Schumacher, USA TODAY Sports

Nalusutan ng USA team ang bangis ng Serbia sa basketball sa kanilang semifinal match sa Paris Olympics. 

Umpisa pa lang ng laban, hindi na agad nakaporma ang USA team at dinomina pa ng Serbia ang laban dahilan kung kaya umabot sa 17 points ang lamang ng Serbia. 

Nang matapos ang first half ay lamang pa rin ng 11 points ang Serbia kung saan nanguna sa namuntos si Aleksa Avramovic na mayroong 15 points, Bogdan Bogdanovic 12 points habang si NIkola Jokic ay mayroong 9 points at pitong assists.

Sa huling quarter ng laro, pinagana na ng USA team ang kanilang depensa at ang sunod-sunod na fastbreak nina Embiid at Lebron na dinagdagan pa ng mga three-point shot ni Curry. 

Dito na nangibabaw sa laban ang USA team sa score na 95-91 kung saan nakapagtala ng 36 points si Stephen Curry si Joel Eumid  ay 19 points at Lebron James na mayroong 16 points. 

Dahil sa panalo ay pasok na ang USA team sa finals at makakaharap naman nila ang home court country na France. 

Photo Courtesy: FIBA