UAAP: UST Golden Tigresses, nalagasan uli ng key players

XyzaGula USTGoldenTigresses Volleyball
Rico Lucero
photo courtesy: UAAP FB Page

Isang araw bago ang pagsisimula ng UAAP season 87, nalagasan nanaman ng manlalaro ang University of Santo Tomas (UST). 

Ito ay matapos na magtamo ng injury si Xyza Gula dahilan para hindi na ito makakapaglaro sa nakatakdang pagbubukas ng liga.

Si Gula ang pangalawang ace player ng UST na hindi na kasali, kung saan una nang nawala si wing spiker Jonna Perdido na nagtamo din  anterior cruciate ligament (ACL) injury kamakailan kontra FEU.

Sina Perdido at Gula pa naman ang mga aasahan sana ng Golden Tigresses na bubuhat  sa season na ito.

Dahil naman sa pagkawala ng dalawa sa key player ng UST, maiiwan ang pasanin kay Rookie of the Year awardee Angge Poyos kasama sina Regina Jurado, Cassier Carballo at Detdet Pepito.

Samantala, kahit nalagasan ng dalawa sa mga mahuhusay na manlalaro, pipilitin ng UST sa pangunguna ni ni Golden Tigresses ace libero Bernadeth “Detdet” Pepito na makabalik sa finals ang kanilang koponan. 

“Just like last season, no expectation, iyung walang nag-e-expect na kaya namin [na umabot sa Finals], iyun ang pinaghuhugutan namin ng motivation, na kinaya nga naming silver medalist last season, ngayon pa na nawala pa iyung dalawa (Xyza Gula at Jonna Perdido)  na parehong nagka-injury,” pahayag ni Pepito. 

Susubukan ng 22-anyos na tubong Quezon City na maibalik ang korona sa kanilang koponan na maaring huling taon na rin nito sa koponan sa championship round, matapos na mabigo ito sa defending titlists na National University (NU) Lady Bulldogs.

Matatandaang naging malaking instrumento ang 5-foot-2 floor defender na si Pepito noong season 86 kaya nakuha nito ang kanyang ikalawang Best Libero award na siyang nakatulong para  makarating sa finals ang koponan kabilang ang pambihirang 7-0 start sa first round ng preliminaries ng torneyo.

Bukod kina Pepito, Poyos at Carballo, aarangkada din sa hardcourt nina outside hitters Kyla Cordora, Ashleey Knop, Steph Arasan at Jothea Mae Ramos, habang tutulong din sina lefty opposite hitter Regina Jurado, Maribeth Hilongo, Elijah Lozada, Arianna Pua, rookie Margaret Altea, middle blockers na sina Athena Abbu, Bianca Plaza, Blessing Unekwe, Mary Joe Coronado, Francine Osis at Em Banagua.

Magugunitang noong 2024 Shakey’s Super League (SSL) Pre-Season tournament, tinalo ng FEU Lady Tamaraws ang UST at naglagay sa kanila sa fourth place. 

Sa Sabado ng hapon, February 15, unang haharapin ng UST Golden Tigresses ang FEU Lady Tamaraws para sa women’s volleyball game,habang mauuna nang sagupain ng UST Golden Spikers sa umaga ang FEU Tamaraws para sa men’s volleyball  sa SM Mall of Asia Arena.  

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more