Three-game sweep nasungkit ng Barangay Ginebra vs. Meralco Bolts

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Tuluyan nang inangkin ng Gin Kings ang three-game sweep ng series kontra Meralco Bolts, 113-106, sa Game 3 ng quarter finals sa Ninoy Aquino Stadium nitong Lunes ng gabi. 

Dahil dito, nakamit ng Barangay Ginebra ang unang ticket patungong semis. 

Umarangkada sa paghahatid ng puntos si Justin Brownlee na kumamada ng 23 points, 4 rebounds, at 3 assists,  kasama na ang magkapares na 4 points sa pagsisimula ng fourth quarter. 

Hindi naman makapaniwala si Ginebra coach Tim Cone sa naging performance ng kanyang mga players upang makuha ang three straight wins. Ayon pa kay  Cone, na-lock-in na umano  nina Stephen Holt, RJ Abarrientos, Japeth Aguilar, at Scottie Thompson ang kanilang mga sarili sa Game 3 at nagtulung-tulong na ang mga ito para masungkit at matiyak ang panalo ng kanilang koponan. 

“I’m totally shocked that we were able to beat them in three straight games,” ayon kay Cone.

“They really locked in. It was amazing to watch and to see them really reach deep from within themselves to pull that game out.” dagdag pa niya.

Samantala, makakaharap na ng Gin Kings ang sinumang mananalo sa pagitan ng San Miguel Beermen  at Converge FiberXers. 

Matatandaang, nakalasap na rin ng mga pagkatalo ang Meralco Bolts sa kamay ng Barangay Ginebra noong mga taong 2016, 2017, at 2019 editions ng PBA Governors’ Cup.

The Scores

Barangay Ginebra 113 – Brownlee 23, Holt 19, J.Aguilar 19, Abarrientos 17, Ahanmisi 17, Thompson 16, Devance 2, Cu 0, R.Aguilar 0, Pessumal 0.

Meralco 106 – Durham 38, Quinto 19, Newsome 14, Banchero 10, Hodge 10, Caram 7, Bates 4, Rios 2, Mendoza 2, Pascual 0.

Quarters : 28-27, 47-56, 83-72, 113-106.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more