SMB nakapag adjust na para harapin ang Gin Kings mamayang gabi
Sa pagbubukas mamayang gabi ng best-of-seven ng PBA Season 49 Governors’ Cup semi-finals series sa PhilSports Arena, magbubuno ang San Miguel Beermen at Barangay Ginebra.
Kahit na nasagad sa limang laro ang San Miguel Beer bago tuluyang tinalo ang Converge noong Linggo sa hiwalay nilang series, at halos hindi pa nakakapahinga sina June Mar Fajardo, EJ Anosike, CJ Perez, Marcio Lassiter at Jericho Cruz, muli na naman silang lalaban sa isang pukpukang serye.
Sa puntong ito, magpapakita ng gilas at galing ang sister teams pero mahigpit na magkaribal pagdating sa hinahabol nilang rurok ng tagumpay. Ang Gin Kings at ang Beermen ay dalawang beses nang nagharap sa Group B, ang Ginebra sa unang round, 108-102, pagkatapos nito ay bumangon naman ng husto ang Beermen sa 131-82 mula sa pagkatalo sa Round 2.
Mabilis na ibinasura ni Beermen coach Jorge Gallent ang anumang ideya ukol sa psychological edge na ipinakita nila mula sa 49-point beatdown laban sa Gin Kings.
Ayon kay pa Gallent, may mga adjustment na silang ginawa at handang-handa na ang kanyang koponan sa pakikipagtunggali nila sa Ginebra.
“The best thing about now is, it starts 0-0 and we will prepare for Ginebra,” ani Gallent.
“Wala na 'yan. Ito ay bumalik sa zero. Serye na kaya ngayon adjustments na, adjustments na. That's a thing of the past, 'yung 49 points na panalo kami, 'yung six points na natalo kami."
“Against Ginebra, we just have to play well. It’s well-coached, it has great players so, you know, we just have to play well. We have to play our A-game for us to have a chance to beat them.” dagdag pa ni Gallent.