PBA: Ikalawang sunod na panalo nasungkit ng Tropang Giga
3
Nakuha ng Filipina pole vaulter na si Riezel Buenaventura ang silver medal sa women’s pole vault (35-39) ng World Masters Athletics Championships sa Gothenburg, Sweden.
Naitala ni Buenaventura ang 3.13 metro kontra 3.45 metro sa kanyang karibal na German.
Ito ang ikalawang medalya ng bansa matapos na makakuha din ng silver medal sii Danilo Fresnido para naman sa javelin throw event nitong nakaraang linggo.
Samantala, sasabak naman sa women’s discus throw sina master athletes Judith Staples at Drolly Claravall, habang sasabak naman si Benigno Marayag sa men’s long jump.