Pinay swimmer nasungkit ang apat na gintong medalya sa 11th BIMP-EAGA Friendship Games

Rico Lucero
photo: Quendy Fernandez

Nasungkit ni UAAP Season 86 Athlete of the Year Quendy Fernandez ang apat na gintong medalya sa 11th BIMP-EAGA Friendship Games na ginaganap sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa Puerto Prin­cesa City, Palawan.

Hindi ininda ng 19-an­yos na University of the Phi­lippines student ang init para pagreynahan nito ang women’s 100m backstroke sa bilis na isang minuto at 7.21 segundo.

Naungusan ni Fernandez si Lora Micah Amoguis na nakakuha lamang ng silver medal hawak ang 1:10.53 gayundin si Jann Maureen Doton na naorasan ng 1:18.42 na nakakuha naman ng bronze medal.

Ayon kay Fernandez, masaya itong naranasan ang ganitong uri ng competition kung saan ito natutong lumangoy at lumaban sa mga  international competition. Umaasa din si Fernandez  na madaragdagan pa ang kanyang mga mapapanalunang medalya sa mga susunod niyang pagsali sa mga swimming competition. 

“It’s a fun experience kasi dito po ako nagco-compete kung saan ako lumaki, and dito rin po ako natuto lumangoy from kinder palang dito nako nagsi-swim, lalo na nandito pa ako sa international competition,” ani Fernandez.

“Sobrang malaking boost po sa akin na makita ko po yung mga familiar faces. It just really brings so much joy and energy. Hopefully, madagdagan ko pa po yung mga medals ko,” dagdag ni Fernandez.

Matatandaang una nang nakasungkit ng gintong medalya si Fernandez sa 4x50 girls’ 200m medley at freestyle relays at sa 50m backstroke. May silver medal din ito para sa 4x100 400m freestyle.noong Lunes, Disyembre 2.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more