PBA: Terrafirma Dyip, wala pa ring panalo sa Commissioner’s Cup

Hindi pa rin sinusuwerte ang Terrafirma Dyip na makasungkit ng kahit isang panalo sa nagpapatuloy na PBA season 49 Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos na matalong muli kagabi, January 15, kontra Blackwater Bossing, 96-86. Ito na ang pang sampung talo ng koponan, habang napigilan naman ng Bossing ang sana’y ikalimang sunod nitong talo at makuha ang 2-7 win-loss record.
Bumida sa panalo ng Bossing si George King na nakapagtala ng 26 points, three assists, at three steals, habang mayroong 17 points, 12 rebounds at dalawang assists naman ang naitala ni Justin Chua, habang si Mike Ayonayon ay mayroong 15 points at si Jaydee Tungcab ay nakapag-ambag ng 11 points.
Samantala, ikinatuwa naman ng dating Alaska Milk superstar at ngayon ay Blackwater Bossing head coach Jeffrey Cariaso ang kanilang panalo at sinabing unti-unti na rin aniyang nagiging maganda ang kanilang performance.
“We were better [than expected]. The only thing I told them was: ‘If we get stops, we'll get opportunities. The fact that we lost four in a row was a motivation regardless of who we were pacing tonight. Tonight, they stepped up and they were ready. Our will, our intensity, just our mindset are always being challenged. So we have to understand that this is part of basketball,” ani Cariaso.
Para naman makarating sa playoffs ng quarterfinals, kailangan ngayon ng Blackwater Bossing na manalo kontra sa Converge, sa Linggo, January 19, sa Phoenix Fuel Masters sa January 21, at sa NorthPort Batang Pier sa January 25.
The Scores:
BLACKWATER 96 – King 26, Chua 17, Ayonayon 15, Tungcab 11, David 8, Suerte 7, Escoto 4, Casio 2, Ponferrada 2, Jopia 2, Montalbo 2, Guinto 0.
TERRAFIRMA 86 – Edwards 29, Sangalang 17, Paraiso 12, Pringle 9, Nonoy 9, Ferrer 7, Carino 2, Romeo 1, Hernandez 0, Manuel 0, Ramos 0, Catapusan 0.
Quarter Scores: 34-30, 45-49, 71-67, 96-86.
