PBA: Sangalang, itinangging sinadya ang pagkakatusok sa mata ni Fuller

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Mariing itinanggi ni Magnolia Hotshots forward Ian Sangalang na sinadya nito ang ginawang pagkakatusok sa mata ni Aaron Fuller noong nakaraang Biyernes, Setyembre 27, sa Sta. Rosa, Laguna. 

Depensa ni Sangalang, hindi umano niya sinasadyang matusok ng kanyang daliri ang kaliwang mata ni Fuller taliwas sa naunang sinabi ng Rain or Shine head coach Yeng Guiao. 

“Unang-una siyempre, sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako ganung tao. Hindi ko magagawa ‘yun. Para sa akin, aksidente ‘yung nangyari,” ayon kay Sangalang.

Matatandaang inakusahan si Ian na sinadya umanong tusukin ang mata ni Fuller matapos matapik ng import ang bola at ang kanyang kamay kaya’t tumungo ito sa direkyson ng mata ng RoS reinforcement na dahilan ng pagkaka-injured nito at hindi na natapos pa ang Game 2.

“Kung sasadyain mo ‘yun, mahirap ‘yun. Walang makakagawa nun na sasadyain mo ‘yung tusukin sa mata. Sabi nila, naka-ganun daw ‘yung daliri ko. Siyempre, hindi ko naman puwedeng maging closed fist, mas mahirap ‘yun, puwedeng tumama. Yung nangyari, hindi ko talaga sinasadya. Aksidente talaga ‘yun para sa akin kasi hinampas niya ‘yung kamay ko, pataas ako, napigilan ‘yung braso ko kaya hindi ko naangat ‘yung kamay ko. Kitang kita naman na hinard foul ako, so napigilan ‘yung kamay ko. Hindi ko intensyon na tamaan talaga ‘yung mata. Hindi ko nga alam na tinamaan siya ng ganun katindi,” paliwanag ni Sangalang.

Dahil naman sa insidenteng nangyari, pinatawan na ng 20,000 pesos na multa ng PBA si Sangalang, subalit nanindigan ito na inosente siya at hindi niya sinasadya ang nangyari. Ipinagmalaki pa ni Sangalang na marami na umanong nakakakilala sa kanya sa PBA at kung paano at anong klase siyang manlalaro. Dagdag pa niya na sa tagal na rin niyang naglalaro sa liga ay hindi aniya siya ang uri ng player na maruming maglaro. 

“Twelve years na ako sa PBA, isang beses pa lang ako na-flagrant foul, eh nangyari pa ‘yun ngayong season. Ngayong season lang nangyari against RHJ. ‘Yun pa lang ang record ko sa flagrant foul sa 12 years ko. ‘Yun pa lang. Hindi talaga ako ganun. Kahit sabihin mong ganun ako, hinding-hindi ko magagawa ‘yun. Hindi ko kayang manakit ng kapwa player ko. Alam ko na nagtatrabaho din siya para sa pamilya niya. Pare-parehas lang kaming nagtatrabaho dito para sa pamilya namin. Para manakit ng player, wala sa bokabularyo ko,” dagdag pa nito.

Samantala, hindi pa nakakausap ni Sangalang si Rain or Shine coach Yeng Guiao at ang nakausap lamang nito ay si Aaron Fuller tungkol sa insidenteng nangyari. 

“Hindi pa kami nag-uusap eh. Kung sinasabi niyang (Coach Yeng) sinadya ko ‘yun, para sa akin, hinding-hindi ko sasadyain na manusok ng mata,” kwento ni Sangalang.

“Nagulat talaga ako pero alam ko na ‘yung nasa isip na sinabi na sinadya ko. Sa akin, wala lang. Nag-usap usap din kami na ganun talaga. Wala ka nang magagawa, sinabi na ‘yun. Eh di basta ako, alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ko kayang gawin ‘yun," dagdag pa niya.

“Kanina nag-usap kami [ni Fuller] sa loob kasi tinatanong niya pa kung anong nangyari kay Zavier bakit hindi siya naglalaro. Sinagot ko naman siya. Mabait din naman ‘yung import. Hindi nananakit kahit pisikalan. Alam niya rin kasi ‘yung basketball na ganun talaga na anytime, puwede kang masaktan. Ako nga nasasaktan din ako pero hindi ko sinasabi na sinadya mo akong tirahin kasi part ng basketball ‘yan,” ani Sangalang matapos niyang makausap si Fuller.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more