Para swimmer Ernie Gawilan babawi sa 400m freestyle race

Karen Ann Mantukay
PHOTO COURTESY: GOOD NEWS PILIPINAS

Puntirya ni Ernie Gawilan na masulit ang kanyang huling pagkatataong makasungkit ng medalya sa 400-meter freestyle S7 race sa Lunes, Setyembre 2 (Philippine time), na gaganapin sa Paris La Defense Arena.

Umaasa si Gawilan na mas maganda pa ang maibibigay niyang performance pagkatapos niyang bigong makapasok sa podium sa 200-meter individual medley race.

Tinaguriang Asia’s best si Gawilan sa 400m freestyle matapos niyang pagharian ang naturang event sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia at sa 2022 edition sa Hangzhou, China.

Sa 400m freestyle, makakasama ni Gawilan sa heat sina Inaki Basiloff ng Argentina, Andrii Trusov at Yurii Shenhur ng Ukraine, at Yosjaniel Hernandez Velez ng Cuba.