PBA: Ikalawang sunod na panalo nasungkit ng Tropang Giga
3
Bagaman ginawa na ang lahat subalit kapos pa rin.
Ito ang malungkot na sinapit ng Pinay golfer na si Bianca Pagdanganan matapos na makuha ang ika-apat na pwesto sa women’s individual golf.
Sa fourth round ng golf ay hindi na nakuha ni Pagdanganan ang ikatlong pwesto kung saan ay makakapag-uwi sana siya ng bronze medal.
Ayon kay Pagdanganan, ibinuhos na niya ang lahat ng kanyang makakaya subalit hindi naman siya nagsisisi sa nangyaring pagkatalo.
Matatandang si Pagdanganan ay isa sa pinakamahusay na golfer sa nagdaang Tokyo Olympics kung saan ay nasa 43 siyang pwesto.
Samantala, nanawagan naman si Pagdanganan ng suporta para sa mga Pambansang atleta matapos na maglaro kasama si Ardina na magkaiba ang kanilang uniporme.