Pacquiao vs. Barrios fight isinasaayos na

Jet Hilario
Photo courtesy: Manila times

Isinasaayos na ng kampo ni Pambansang Kamao at 8-division World Champion Manny Pacquiao ang muling pagbabalik  nito sa boxing ring sa taong ito.

Posibleng si WBC welterweight champion Mario Barrios ang makalaban ni Pacquiao sa muling pagbabalik nito sa lona.

SInabi ni Sean Gibbons, head ng MP Promotions na kanila ng inaayos ang magiging laban ni Pacquiao kay Barrios at umaasa sila na sana ay matuloy ang laban nilang dalawa. 

“I’m praying that we close (the fight against WBC welterweight champion Mario Barrios) very soon here hopefully,” ani Gibbons.

Sakaling matuloy ang laban sa Disyembre, ito na muli ang magiging unang laban ni Pacquiao na posibleng isagawa sa Las Vegas simula noong 2021, kung saan natalo siya sa Cuban fighter na si Yordenis Ugas.