Mga batang mandirigma sa bansa, humakot ng medalya sa Jiu-jitsu International Federation World Championship

Rico Lucero
Photo courtesy: POC

Humakot ng mga gintong medalya ang batang Pinoy jiu-jitsu team matapos ang kanilang pagsali sa prestihiyosong Jiu-jitsu International Federation World Championship nitong Sabado  sa Nagoya, Japan. 

Nanguna sa kampeonato si Brielle Bartolome na nanigurado ng dalawang gintong medalya sa gi at no gi divisions.

Tinalo ni Bartolome si Peng Nian ng China via armbar, kung saan nanguna ito sa  kindergarten fea­therweight sa no gi category. Agad din itong sinundan ng isa pang gintong medalya matapos namang patumbahin ni Bartolome si Nishimoto Wakana ng Japan para tuluyan nang  mamayagpag sa kindergarten gi-rooster weight division.

Bukod pa riyan, nakakuha rin ng gintong medalya si Marcus Dela Cruz sa youth light featherweight no-gi kung saan tinalo naman nito si Ma Haisen ng China sa finals.

Nasungkit din ni Cesca Lepiten ang gintong medalya sa youth gi featherweight matapos namang payukuin si Kimura Alana Liu ng Japan via armbar.

Hindi nagpahuli si Thiago Bartolome na nanalo kay Laptev Maksim sa gold-medal match para pagharian ang pre-teen no gi middleweight.

Nakakuha din ng gintong medalya sina Claudia Lepiten sa toddler gi light featherweight, Tessa Joson sa junior teen featherweight, Ali Joson sa kindergarten no gi rooster-weight, Tomas Joson sa youth rooster-weight, Ethan Ramos sa pre-teen lightweights at Uno Ordona sa pre-teen medium heavyweights sa torneong nilahukan ng US, Japan, China, South Korea, Brazil, Hong Kong at Pilipinas.

Ayon kay Universal Reality Combat Championship founder and president Alvin Aguilar, masaya ito sa naging resulta at ipinakitang pagsisikap ng kanilang team para makamit ang karangalang ito. 

“I am very happy that our Philippine Junior Grappling Team, composed of different DEFTAC chapters, are showing everyone how hard they work and how good they really are,”  ani Aguilar.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more