Meralco Bolts wagi vs. Magnolia Timplados
Wagi ang Meralco Bolts laban sa Magnolia Timplados sa kanilang unang paghaharap sa muling pagbubukas ng PBA season 49, score, 99-94.
Nanguna sa panalo ng Bolts si Allen Durham na nakapagtala ng 20 points na sinundan naman ni Chris Banchero na nakapagtala ng 14 points na siya rin ang unang nakapagtala ng 4 points sa bagong lagay na four point line sa court.
Si Banchero ngayon ang gumawa ng kasaysayan bilang unang manlalaro na gumawa ng four-point shot,
Nakapuntos ng 4 points si Banchero sa ikalawang quarter ng laro kung saan nalamangan agad nila ang Magnolia sa score na 20-17.
Dahil sa panalo hawak ngayon ng Bolts ang 1-0 standing habang 0-1 naman ang Magnolia.
Umaasa naman si Bolts head coach Luigi Trillo na kayang kaya ng kanilang mga manlalaro na makapuntos ng 4 points sa mga susunod pa nilang laban.
Samantala, nakapag-ambag naman ng 29 points si Magnolia import Glen Robinsons III at 17 points naman kay Ian Sangalang.
Susunod namang maghaharap sa Agosto 20 ay sa pagitan ng Blackwater at Rain or Shine sa Smart Araneta Coliseum.