Matinding laban sa pagitan ng RoS at Tropang Giga aabangan ngayong gabi
Mamayang gabi na ang Game 1 salpukan sa pagitan ng Rain or Shine Elasto Painters at TNT Tropang Giga para sa pagbubukas ng best-of-seven semi-finals series season PBA Season 49 Governors’ Cup sa PhilSports Arena.
Sagupaan ito sa pagitan ng titleholder laban sa mapanganib na challenger, kabataan laban sa karanasan. At ito rin ang unang pagkikita ng dalawang koponan sa conference na ito.
Bagaman, ito ang unang pagkakataon ng kanilang paghaharap, parehong magpapakitang gilas ang dalawang koponan kung paano gagana ang bawat isa at magpapakita ng kanilang lakas.
Ayon kay RoS coach Yeng Guiao, hindi magiging madali ang kanilang laban kontra sa TNT dahil sila ang defending champion ng conference.
"We're playing a tough team and they're the defending champions," ani Guiao.
Sinabi naman ni TNT coach Chot Reyes, na ang tanging paraan aniya para makapasok sila sa Finals ay kung maiaangat ng kanilang koponan ang kanilang laro.
"The only way we can go deeper into the playoffs is if everyone on the team really elevates their game. What got us here will not get us to where we want to be," ani Reyes.
Matatandaang nag-topnotcher ang Elasto Painter sa Group B at pagkatapos ay natalo nila ang Magnolia Hotshots sa quarterfinals. Nanguna naman sa Group A ang TNT kung saan tinalo nila sa apat na laro ang NLEX sa quarterfinals.