Magnolia, itinabla ang serye laban sa Rain or Shine

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Itinabla na ng Magnolia Hotshots ang kanilang serye kontra Rain or Shine ma­tapos tamabkan ang Elasto Painters, 129-100 sa Game 4 ng PBA Season 49 Go­ver­nors’ Cup quarter finals nitong Martes ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa simula ng laban ay nagpakita ng aggressiveness ang Elasto Painters kung saan bumanat agad ng mga puntos sina Aaron Fuller, Gian Mamuyac at Jhonard Clarito, subalit hindi na pinaporma ng Magnolia ang RoS nang makuha ang 26-all na iskor sa pagtatapos ng unang yugto hanggang sa umarangkada at tinambakan ang Elasto Painters sa huli. 

Bumanat ng 30 points si Ja­bari Bird habang si Paul Lee naman ay mayroong 25 points kung saan ay naka tatlong four-point shots ito para pangunahan ang Magnolia. Nagdagdag naman si Jerrick Ahanmisi ng 14 points at may tig-10 points sina Mark Barroca at Ian Sangalang.

Samantala, nagpasalamat si Magnolia coach Chito Victolero sa kanyang mga manlalaro dahil sa naka-focus ang mga ito sa paglalaro. Naniwala rin siya sa kanilang mga kakayahan para maipanalo ang laban kontra Elasto Painters upang ma-pwersa ang Game 5 na gaganapi sa Sabado sa Ynares Center, Antipolo. 

"[I'm] thankful to the players because of the mindset, because of the focus. And nando'n sa board ko eh, sa start ng pre-game namin—it's all about believing. In order for us to win the war, we need to grind for 53 minutes. My players [were] so focused and they wanted to have another chance on Saturday," ani Victolero.

Nanguna naman sa laro ng Rain or Shine si Fuller na may 22 points at 10 rebounds, kasunod si Clarito na may 15 points, habang may tig-11 points naman sina Beau Belga, Adrian Nocum at Andrei Caracut, si Mamuyac naman ay mayroong 10.

The Scores:

MAGNOLIA 129 – Bird 30, Lee 25, Ahanmisi 14, Barroca 10, Sangalang 10, Abueva 9, Dionisio 9, Dela Rosa 9, Mendoza 8, Eriobu 5, Laput 0

RAIN OR SHINE 100 – Fuller 22, Clarito 15, Belga 11, Nocum 11, Caracut 11, Mamuyac 10, Aistio 5, Santillan 4, Tiongson 4, Ildefonso 4, Datu 2, Lemetti 1, Norwood 0

QUARTERS: 26-26, 62-44, 99-79, 129-100.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more