PBA: Ikalawang sunod na panalo nasungkit ng Tropang Giga
3
Hindi na masisilayan ngayon sa pagtakbo si John Cabang dahil sa hindi binanggit na injury na iniinda nito.
Si Cabang ay nag withdraw na lang para sa Men’s 110m Hurdles repechage round na nakatakda sana ngayong araw August 6.
Sa social media post ni Cabang, humingi ito ng public apology at sinabing hindi na siya lalaban sa competition.
“I’m not gonna be able to run due to an injury,” Cabang posted on his Instagram story. “Thanks to all the people who supported me. Laban Pilipinas!”
Si Cabang ay nauna nang lumaban para sa unang round ng Men’s 110m Hurdles ng Heat 1 subalit nakuha lamang nito ang ika-6 na pwesto sa oras na 13.66 seconds at na-relegate sa repechage.