PBA: Ikalawang sunod na panalo nasungkit ng Tropang Giga
3
HIndi na makakapag-uwi ng medalya ang Pinay Rower athlete na si Joanie Delgaco matapos na pumalo ito sa ika-anim na pwesto sa quarterfinals ng nagpapatuloy na Paris Olympics.
Bagaman sa umpisa ay buhos na buhos ang buong lakas ni Delgaco sa pagsagwan subalit hindi pa rin ito umubra sa mga katunggali niya sa women's single sculls.
Nagtapos si Delgaco sa oras na 7:58.30.
Samantala, Nakuha naman ni Emma Twigg ng New Zealand ang 1st Place habang si Aurelia Maxima Katharina Janzen ng Switzerland ang 2nd Place at nasa 3rd Place si Virginia Diaz-Rivas ng bansang Spain sa kanilang grupo.