Import Watch: Justin Brownlee sukatan pa rin ng mga imports

juan karlo Libunao
PHOTO COURTESY: TIEBREAKER TIMES

Sa pagbubukas ng ika-49 Season ng PBA sa Agosto 18, masasaksihan ang pagparada ng kombinasyon ng mga bago at mga nagbabalik na imports sa season-opening conference na Governor’s Cup.

Kasama sa mga datihang reinforcement si six-time PBA champion at three-time best import awardee, Justin Brownlee ng Barangay Ginebrea San Miguel.

Matatandaan na binuhat ni Brownlee ang Gin Kings sa apat na kampeonato noong  2016, 2017, 2019 at 2021 editions ng nasabing kumperensiya. Nanalo din siya kasama ang crowd-favorite na koponan sa 2018 at 2022-23 Commissioner’s Cup. Nagtala din si Brownlee ng 6-0 record sa mga nabanggit na finals series at tumabla sa record ni Sean Chambers, isa pang import na naglaro sa pamumuno ni Coach Tim Cone kasabay ng pamamayagpag ng Alaska noong taong 90’s.

Sa 2023 edition ng Governor’s Cup, sinubukan muli ni JB na buhatin ang Gin Kings sa isa pang kampeonato, magkaroon ng malinis na 7-0 record sa isang serye at itatak ang sarili bilang winningiest import sa PBA ngunit natalo ang sila sa TNT Tropang Giga sa loob ng anim na laro sa kanilang Finals series. Pinangunahan ng dating NBA player na si Rondae Hollis-Jefferson ang TNT at nagbigay ng unang kampeonato kay Jojo Lastimosa bilang interim head coach.

Magkakaroon muli ng pagkakataon na makuha ang ika-pitong kampeonato ngunit kailangan niya humarap sa ilang pamilyar na mga katunggali at ilang mga baguhan sa liga.

Gayuman, si Brownlee pa rin ang magiging sukatan sapagkat siya ang pinakamaraming karanasan sa naturang liga at pinaka-matagumpay sa lahat ng imports ngayon.