Ilang atleta sa Paris Olympics, tinamaan ng Covid 19

Jet Hilario
Photo Courtesy: UN

Ilang araw bago matapos ang Paris Olympics, nagpositibo sa Covid 19 ang ilan sa mga atleta nito. 

Kabilang sa mga nagpositibo sa Covid 19 ay ang British swimmer na si Adam Peaty na nakasungkit ng silver medal subalit isang araw pagkatapos nito ay tuluyan na itong nagkasakit. 

Gayundin ang Australian swimmer na si Lani Pallister ay hindi na itinuloy ang kaniyang laban para sa women’s 1500m freestyle dahil din sa nasabing sakit. 

Ang dalawa sa mga atletang ito na nagpositibo sa Covid 19 ay kabilang sa 40 iiba pang atleta na tinamaan ng naturang sakit. 

Patuloy ang paalala ng World Health Organization hindi lamang sa mga atleta kundi maging sa publiko na maging maingat pa rin ang bawat isa dahil patuloy pang umiikot ang virus na nagiging sanhi ng Covid 19.