Hergie Bacyadan bigong manalo vs. China

Rico Lucero
Photo: Mohd Rasfan, AFP

Hindi nagawang maipanalo ni Hergie Bacyadan ang kaniyang laban kontra kay Li Qian ng China kanilang round of 16 match under women’s 75-kg class event. 

Dahil dito ay nakuha ng China ang panalo sa iskor na 5-0 via unanimous decision. 

Nakapagtala ng 27 puntos si Bacyadan kontra sa 30 puntos na naitala ni Li Qian, kung kaya hindi na  kinaya ng Pinay boxer ang bilis at liksi ng galaw ni Qian. 

Bagaman sinubukan pa ni Bacyadan na maging agresibo sa huling round ng kanilang laban subalit huli na ito para sa Pinay boxer. 

Si Li Qian, ang top seed ng China ay isa rin sa mga silver medalist initong nakaraang Tokyo Games. 

Ito ang unang sabak ng 29-anyos na trans man boxer sa Olympics.