Gilas Youth bigong manalo vs. Jordan sa FIBA U18 Asia Cup 2024

Jet Hilario
Photo Courtesy: FIBA

Nalasap ng Gilas Pilipinas youth ang una nitong pagkatalo kontra Jordan sa pagpapatuloy ng FIBA U18 Asia Cup 2024 ang score, 62-56. 

Bagaman nagawa ng Pilipinas na maging dikit ang laban ngunit ang mga missed shot ang tuluyang nagdala sa kanila sa pagkatalo sa Group D, sa ngayon, mayroon nang 1-1 win-loss standing ang Gilas Pilipinas. 

Dahil dito, may tsansa pa ang koponan ng bansa na makapasok sa quarterfinals, sa pamamagitan ng play-in kung saan ang susunod na dalawang koponan sa bawat grupo ay dadaan sa qualification sa quarterfinal stage. 

Nakapag-ambag ng 14 points anim na assist si Mark Esperanza, habang 9 points naman ang naiambag ni Cabonilas at tig anim na puntos si Perez at Medina. 

Bagaman nakalasap ng pagkatalo, tinambakan naman ng Gilas Pilipinas youth ang Indonesia sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa score na 75-48 kung saan kailangan ngayon ng Gilas na maging No. 1 sa Group D. 

Target ngayon ng Gilas Pilipinas Youth na makaabot sa semifinals para makapasok sa 2025 FIBA U19 World Cup. 

Ang mga score:

Jordan 62 – Al-Deen 14, Zeid Kilani 13, Alshami 10, Shaaban 7, Salman 7, Hijazi 4, Shatat 2, Ghazal 2, Aljaibat 2, Kaseem 1, Ababneh 0.

Philippines 56 – Esperanza 14, Cabonilas 9, Perez 6, Medina 6, Burgos 5, Manding 5, Esteban 4, Figueroa 4, Lorenzo 3, Santos 0, Ludovice 0.

Quarters: 17-13; 36-34; 45-40; 62-56.