Germany, unang koponan na nakapasok sa semi-finals ng Paris Olympic
Tila nalampasan na ng Germany ang pagsubok sa kanilang kakera sa basketball matapos na talunin nila ang Greece, 76-63.
Sa pagsisimula pa lang ng first quarter ay umarangkada na agad ang Greece kung saan lamang agad sila ng 12 points.
Subalit sa mga sumunod na quarter ng laro ay hindi na nagpatinag ang Germany kung kaya’t hinigpitan na nila ang kanilang depensa.
Nanguna sa panalo ng Germany si Franz Wagner na nakapagtala ng 18 points at tatlong assists habang mayroong 13 points at walong assists si Dennis Schroder.
Sa ngayon, ang Germany ang siyang may hawak ng FIBA World Cup Champion.
Dahil naman sa panalong ito, pasok na rin ang Germany sa semifinals sa Paris Olympics.
Ang Germany ang unang koponan na nakapasok sa semi-finals ng Paris Olympic men's basketball tournament.
Maglalaban ang Germany at France para sa semifinals.