PBA: Ikalawang sunod na panalo nasungkit ng Tropang Giga
3
Tanggal na sa medal contention si Filipina-American hurdler Lauren Hoffman.
Ito ay matapos na bumagsak siya sa ika-pitong pwesto sa women’s 400 meter hurdle sa Heat 3 ng repechage round, sa oras na 58.28 seconds sa Stade de France Paris.
Si Hoffman ay first-time Olympian na una nang natalo sa first round nitong nakaraan para mag qualify sa finals kung saan nakapagtala siya ng 57.84 seconds, at natapos sa pang 37th place sa overall para ma-relegate sa repechage round.
Samantala, isa pang Filipino track athlete na si John Cabang Tolentino ang lalaban muli para sa repechage sa men's 110 meter hurdles matapos naman na makuha nito ang pang anim na pwesto sa naging laban niya nitong Linggo.