Exclusive: Aaron Fuller, itinuturing na mandirigma ng Rain or Shine

Rico Lucero

Maituturing na isang simpleng tao si Aaron Fuller, na mula sa Mesa, Arizona. Nagsimula ang kanyang karera sa paglalaro ng basketball noong mga unang taon niya sa kolehiyo sa University of Iowa at University of California bago siya naging propesyonal na manlalaro kung saan naglaro siya sa Portugal, New Zealand at Mexico, at kalaunan sa Pilipinas. 

Noong 2017, nagdesisyon  si Fuller na maglaro ng basketball sa Pilipinas kung saan pumirma siya ng kontrata sa NLEX Road Warriors bilang import para sa 2017 PBA Governors’ Cup kung saan nag-average siya ng 22.6 points 17.7 rebounds, 1.5 assists, 1.6 steals at 1.5 blocks sa 11 na laro. 

Pagkaraan ng isang taon, muling naging bahagi si Fuller ng NLEX Road Warriors noong Agosto para sa 2018 PBA Governors' Cup bilang kapalit ni Olu Ashaolu na nagkaraoon ng injury. Naglaro din si Fuller para sa Blackwater Elite noong 2019 at sa TNT Tropang Giga noong 2021-2022. 

Nitong Hulyo 2024, bumalik si Fuller sa Pilipinas sa ikalimang pagkakataon, upang maglaro naman bilang import ng Rain or Shine Elasto Painters sa PBA Season 49 Governors' Cup. Ito ang ikaapat na koponan ni Fuller sa PBA, kung saan nakasama na rin niya si coach Yeng Guiao na naging mentor na niya noong nasa NLEX pa ito.

Sa eksklusibong panayam ng Laro Pilipinas, binanggit ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na si Aaron Fuller ang tipo ng kanilang import na simple at tahimik na tao, hindi pasikat o marangya. 

Malaki rin ang tiwala ni Guiao kay Fuller sa pagsunod sa mga tuntunin at sistema ng koponan lalo na ang pagiging maagap at reaktibo. Naniniwala rin siya na ang kanyang import ay palaging makakapag-ambag pagdating sa aspeto ng opensa, dahil nakakagawa si Fuller ng humigit-kumulang 20 puntos, 15-20 sa rebounding at nakakapaglaro din ito ng may mahigpit na depensa, bukod pa sa mayroon siyang malakas na pangangatawan. 

“Solid na solid ng import namin. Hindi siya flashy, hindi siya masyadong masalita, tahimik lang siya. Maasahan mo siya. May solid offensive game siya, may (games) na 20 ang mai-contribute niya, at kaya niyang dumipensa sa laro. Kaya niyang magbigay ng 15-20 rebounds. Hindi mo siya kayang atrasan dahil malakas din ang pangangatawan niya” patungkol ni Guiao kay Fuller 

Dagdag pa ni Guiao, advantage sa kanilang team na mayroon silang import na tulad ni Fuller na may magandang chemistry sa iba niyang local players, at sobrang gusto siya ng kanyang mga kasamahan.  

“Gusto siya ng mga teammates niya. Malaking factor kapag maganda ang chemistry ng import mo sa locals,” dagdag ni coach Yeng. 

Ang kanyang co-player forward na si Jhonard Clarito ay inilarawan siya bilang isang napakabait na import at alam kung paano makitungo at makisama sa iba pang mga manlalaro lalo na sa kanyang sariling mga kasamahan sa koponan.  

“Yung import namin na si Aaron, napakabait niya at marunong makisama sa amin,” ani Clarito.  

Para naman sa ibang manlalaro, nakikita nila si Fuller na isang energetic import at nakakapagbigay inspirasyon sa kanyang koponan kung kaya muli siyang pinili ni CYG. Hindi nag-alinlangan na sumugal si coach Yeng sa kakayanan ni Fuller kaya’t sa simula't simula ng kumperensya ay naging bahagi na ito ng Rain or Shine Elasto Painters. 

Si Fuller ay isang magandang halimbawa ng isang manlalaro na may diwa ng isang mandirigma na puno ng lakas ng loob at isang malaking ‘source of inspiration’ sa kanyang mga teammates lalo pa’t buong puso itong maglaro para sa kanyang koponan. 

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more